Welcome tothe Bankers Village Antipolo Homeowners Association Website

This website is part of an effort by the BVAHAI to increase communication with residents. Our goal is to let you know about our own activities as well as about issues and events that affect residents. In addition to our newsletter, Village Voice, and meetings, we will try to let you know about current events and issues as they happen through this website or by email.


______________________________________________________________

Kapitbahay Ko, Kaibigan Ko

Hello mga kapitbahay! Nag-enjoy ba kayo sa nakaraang May Festival dito sa ating village?! Masaya di ba? Pero bakit at paano ba binuo ang ideyang ito ng masayang pakikipagkapitbahayan? Ganito iyon.

Naisip ng Committee on Social Interaction (CSI) ng BVAHAI na bago magkaroon ng pagtutulungan at kapansin-pansin na pagbabago ang isang komunidad, kailangan munang magkakilala at magkasama ang mga miyembro nito. Paano nga ba mararamdaman na kaibigan mo nga ang iyong kapitbahay kung hindi mo naman siya nakakausap o nakakadaupang palad kahit minsan. Kaya ang CSI ay bumuo ng isang pagtitipon upang iparamdam sa lahat ng miyembro na ang bawat kapitbahay ay kaibigang maituturing. Hayy! Kung alam ninyo lang kung gaanong pagpapalakas ng loob at pagpapakumbaba ang aming pinagdaanan para lang lumapit at humingi ng tulong sa mga kapitbahay! Pero lo and behold!! Maraming tulong ang aming natanggap. Marami ang nagbigay ng tulong na pinansyal at marami rin ang nagpahiram ng mga personal na gamit na panghandaan at pangdekorasyon. May isang nagboluntaryong ibahagi ang kaniyang talento sa pag-aayos at pagbibigay arte sa lugar ng kasayahan. At marami ring mga magulang (at lolo’t lola!) ang pumayag na ibahagi ang mga talento sa pagkanta at pagsayaw ng kanilang mga anak at apo!.

Dumating ang araw ng kasayahan at nakakatuwang sabihin na marami ang nagsidalo! Sa dami, nagkulang ang mga upuan at pati na ang mga pagkain na nilalako sa ating maliit na food court ay mabilis na naubos! Nagkaroon ng maikling programa na kung saan ipinamalas ng mga bata ang kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta. May on-the-spot drawing contest na kung saan ipinakita ng mga musmos na kabataan ang husay nila sa pagdrawing….ang lahat ng mga sumali ay umuwing may dala-dalang gifts of appreciation bukod doon sa mga nanalo ng first, second and third prizes. Nagkaroon ng free –for- all dancing at nagsawa sa pagsasayaw ang mga ladies ng Bankers habang ang mga kalalakihan ay nag-umpukan at nagkwe-kwentuhan..



Maraming mabubuting bunga ang nagmula sa handaang ito. Una, matapos maayos ang lahat ng babayarin, ang ekstrang nalikom na salapi, na nagkakahalaga ng halos dalawang libo, ay inilagay sa pondo ng BVAHAI. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon na makilala natin ang mga bagong miyembro ng komunidad . Pangatlo, nabuhay na muli ang mga tila lumalamig na pagkakaibigan ng mga dati ng magkakapitbahay. Higit sa lahat, napatunayan ng lahat ng dumalo na ang pakiki-pagkapitbahayan ay hihigpit at titibay kung ang lahat ay makiki-isa sa mithiing magaling.; na maaari pa ring mapabuti at mapaunlad ang kalagayan ng ating komunidad kung ang bawat isa ay tutulong at di magwawalang bahala. Kaya’t sa inyong lahat na naging bahagi ng masayang pagtitipong ito, maraming maraming salamat!

At sa mga nagsabing “sana maulit ito!”, higit pa dito ang maaari pang maganap at unti-unti nating makikita ang ating pag-unlad basta’t tayong lahat ay magkakatulungan at matibay na maniniwala na ang kapitbahay ko, kaibigan ko!

By Dr. Lilian M. Collado

0 comments:

______________________________________________________________

COMMENTS & SUGGESTIONS

We will do our best to keep the lines of communication open with you via our newsletter and this website. We hope that you will not hesitate to relay your comments, questions and suggestions to improve our village by either writing an article or op-ed for our newsletter, sending us an e-mail , or leave a message below.